ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA KINAUUKULAN
PARA SA ATING PANGULO AT MGA BOSS SA SBMA,
“WALANG MAIIWAN” iyan
po ang tag-line ng ating Pangulo ng Pilipinas patungkol sa 2015 Salary
Standardization Law pero sa pakiwari ng mga empleyado ng SBMA…… HINDI NA NAMAN KAMI KASAMA DITO…kasi
exempted ang SBMA sa Salary Standardization Law (SSL). Pambihira !!!
empleyado din po kami ng gobyerno at taos-pusong naglilingkod sa Inang BAYAN. Nararapat
namang di maiwanan ang SBMA sa pagtaas ng sweldo ng mga kapwa kawani ng
GOBYERNO. Hindi po ibang planeta ang Subic Bay Freeport, parte pa rin ito ng Pilipinas
kaya dapat kasama kami sa benepisyo ng SSL4. Kung ang Association of Concerned
Teachers (ACT) ang isinisigaw ay kulang pa ang taas sweldo na nakasaad sa SSL4
para sa mga GURO, kaming mga empleyado ng SBMA hinihiling lamang na makapantay
man lamang sa pasahod ng ibang ahensya ng GOBYERNO. Sa Olongapo nga SSL3-tranche 4 na sila kami
sa SBMA nanatiling NGANGA!!!! Asaan ang HUSTISYA???
Hindi po
maintindihan ng mga kumakalam naming sikmura ang mga ibinibigay na dahilan ng
aming mga lider sa SBMA lalo pa nga’t milyon milyon ang kinikita ng aming
ahensya na ibinibigay lamang sa National Government bilang dibidendo. Milyon
milyon ang inilalaan para sa LGU’s at National Treasury pero sa mga abang
empleyado barya barya na nga lang ipinagkakait pa. Hinihingi po namin ang
tulong ng Pangulo at ng pamunuan ng DBM at SBMA upang makamit ng mga empleyado
ng SBMA ang tamang pasahod ayon sa Salary Standardization Law (SSL).
Hindi po namin intensyong
lumikha ng GULO o kalituhan sa hanay ng mga manggagawa, pero itinutulak po kami
ng aming hinanakit at nag-pupuyos na galit sa paikot-ikot na proseso, turuan at
mababang pagtingin sa mga hinaing ng mga kawani ng SBMA na nagdidiin sa amin sa
pader ng alanganin. Kailangan pa bang manikluhod at magmakaawa na parang PULUBI
ang mga empleyado ng SBMA para maibigay sa kanila ang tamang pasahod at sapat
na benepisyo tulad ng ibang kawani ng GOBYERNO?
Ang mga
empleyado po ng SBMA ay binubuo ng mga propesyunal at mga lehitimong manggawa SA
GOBYERNO huwag naman po sana kaming ipagsawalang bahala lamang at itratong mga
“ABANG DUKHA ‘. Ang nais po namin ay pagtaas ng sweldo at hindi matanggalan ng
trabaho, kami po ay may lehitimong HINAING na sana’y dinggin ng PANGULO at ng
mga lider ng SBMA.
Simple lamang po
ang aming GUSTO at hindi naman kumplikado… “ Alisin
ang SSL exemption ng SBMA na humahatak sa aming sweldong pababa“
“ Ibalik sa SSL ang mga
empleyado ng SBMA! “
Gumagalang,
SBMA EMPLOYEES
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Salary Standardization Law para sa mga empleyado ng SBMA!!!
Ibalik sa SSL ang mga Empleyado ng SBMA
Ano man pong paraan….anuman pong aksyon na makatutulong para sa EMPLEYADO NG SBMA upang makamit ang SSL ito po ay lubos naming ipapagpasalamat. Hindi po sobra sobra ang hinihingi ng mga manggagawa… karampatang sahod lamang po ang aming hinihingi.
Sa mga kawani ng SBMA, may mga kamag-anak at kaibigan sa SBMA paki like and share lang po sa inyong facebook, malaking tulong po kung pa uunlakan ninyo ang kaunting kahilingan namin sa inyo,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento